Mabigat ang aking mga hakbang patungo sa may pintuan. Inisip ko kasi na kung sakaling si Jake ang nasa labas, baka bugbugin ulit ako. Kung si Jacob naman, baka hindi ko na magawang magkunwari sa kanya. Ang saklap ng sinapit ko! “Mr. Chavez!” Kaagad na nanlaki ang aking mata nang mapagbuksan ko si Eliakem Chavez. Hindi ko talaga inasahan na madatnan niya ako sa isang kalunos-lunos na sitwasyon. “What happened Natalia? You don’t look good,” sabi niya sa akin at ngumiti lang ako ng bahagya. Hindi ko naman maaaring ipagkalat ang tungkol sa mga ginawa ni Jake sa akin. Isa pa, nakakahiyang umamin na bugbog ang inabot ko mula sa lalaki. Sino ba naman kasi ang mag-akala na ang isang sweet na si Jake ay magiging salbahe pala? Hindi ko lubos maisip kung paano niya nagawang saktan ako gayung sa

