Sa loob ng ilang sandali ay nagtitigan lang kami ni Jacob at biglang naglaho ang kagustuhan kong kumain. Hinintay ko na mauna siyang magsalita ngunit nakatikom pa rin ang bibig nito. "Gusto mo yatang mapadali ang pagpunta ko sa impyerno," nagreklamo ako kasi hindi ko nagustuhan ang kanyang ginawa. "Sa tingin mo ba ay hindi mahirap sa akin 'to? Baka nakalimutan mo kung sino ang iyong pinakasalan, Nat. Kapatid ko iyon!" "Kaya nga sinabi ko na tumigil na tayo! Hirap na hirap rin ako, Jacob! Please lang, kung totoo man 'yong sinabi mo na mahal mo ako, ngayon mo patunayan sa akin." "Bakit ka kasi nagpakasal kaagad?" Galit na nagtanong ang lalaki. Ayoko sanang sagutin ang tanong na iyon ngunit sa tingin ko ay kailangan niyang malaman ang dahilan. "Dahil naaawa ako sa kanya. Dahil nagi-guil

