Kinabukasan, malalim ang aking pagbuntonghininga nang makita ko ang magkapatid na nag-uusap sa may terrace. Uminom ng kape si Jacob habang nakikipag-usap kay Jake. Mula sa aking kinatatayuan ay hindi ko kayang marinig kung ano ang mga pinag-uusapan nilang dalawa. Masyado akong naka-focus sa kanila kaya hindi ko namalayan ang biglang paglapit ni Olot sa akin at napasigaw ako nang bigla na lang nitong pinisil ang aking hita. "Manyak!" Pinagalitan ko si Olot ngunit bago ko pa siya mahampas ng tsinelas ay lumayo na iyo. "What's wrong, Nat?" Hindi ko nagustuhan ang paglapit ni Jacob sa akin dahil bigla na lang nitong iniwan si Jake sa terrace. "I'm fine. Bumalik ka na sa terrace," sabi ko sa kanya. "Sige," sagot ni Jacob,, at kaagad na rin itong umalis. Bumalik ako sa kusina upang i-che

