Kinabahan ako nang itinabi ni Jacob ang sasakyan. Ang hirap naman kasi ng kalagayan ko. Bawat segundo ay kabado ako at hindi mapakali lalo na kung magkalapit ang dalawa. Minsan ay naisip ko na mas mabuti rin siguro kung sa ibang bansa na lang kami maninirahan ni Jake. Mas lalo akong kinabahan nang bumaba si Jacob at padabog na isinara ang pintuan ng sasakyan. "Galit yata ang kapatid mo, baby," sabi ko. "Puntahan mo," utos ni Jake at napatingin ako bigla sa kanya. "Why?" Nagtanong ako. "Tanungin mo kung bakit nagsasayang siya ng oras." "Okay," sabi ko ngunit hindi na nagsalita si Jake at ipinikit ang mga mata nito. Paglabas ko mula sa sasakyan ay lumingon si Jacob at kumunot ang noo nito. "Anong ginagawa mo?" "Nakaka-suffocate sa loob, Nat. Kailagan mo ba talagang gawin iyon eh alam

