Buong gabi akong hindi makatulog dahil sa nangyari. Nang tiningnan ko si Jake ay nakatagilid pa rin sa kama ang lalaki at habang hindi siya nagsasalita ay mas lalo akong kinabahan. Nag-alala ako sa maaari niyang gawin sa akin, at nag-alala rin ako sa kanyang kalusugan. Paano kung ako ang magiging dahilan upang mamamatay siya ng mas maaga? Nang mapansin kong gumalaw ang lalaki ay kaagad akong tumayo upang lapitan siya. "Baby?" Tinawag ko ang kanyang pangalan ngunit hindi ito sumagot. Nagpalit lang ito ng posisyon at hindi pa rin ako kinibo. Ayoko na sana siyang istorbohin pa ngunit kailangan na nitong bumangon at kumain ng agahan. Mag-aalas nwebe na ng umaga pero hindi pa ito kumain. Ramdam ko ang takot at kaba habang nilapitan ito ng husto. Yumuko ako upang mas marinig niya ang aking bo

