Kung hindi magkanda-ugaga ang mga front liner namin sa unang mansion ay ganoon din naman dito sa pangalawang mansion. "Akesia!" Napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko naman si Eli na tumatakbo papunta sakin, "Bakit? May major ba na nangyari at ganyan ka makapunta sa akin?" Hinabol nya muna ang hininga nya bago sya magsalita ulit, "Yeah, kailangan ka talaga namin. Hindi na namin alam kung hanggang kelan pa ang itatagal ng mga comatose na mga pasyente!" I can feel her guilty feelings since alam nya sa sarili nya na wala syang magawa sa mga ganitong sitwasyon. I nod, "Ako na bahala. Lead the way. Unahin natin ang mga nasa critical na pasyente." Tumango naman sya at hindi na nagsalita pa at naglakad na lang. Isa ito sa nagustuhan ko kay Eli, ang hindi pagiging matanong at hindi nag