We've been awake for almost one hundred and twenty hours. Kung may pahinga man ay ilang minute lang. We let ourselves rest for about twenty to thirty minutes since we needed it. Hindi din naman kasi gagana ang katawan at utak namin if wala kaming pahinga and rest is really important dahil baka kami naman ang magkasakit. Mahirap na. "Akesia? Ano na next na gagawin natin?" Tiningnan ko muna ang data na nasa kamay ko at saka ako tumingin kay En. "Rest. Tapos na ang trabaho natin sa mga may high fever. Sa ngayon magpahinga muna kayo. Ako na ang bahala mag check up sa mga may ubo at sipon." Nakita ko naman ang gulat sa mukha nya, anong nakakagulat doon? "Hindi ka ba magpapahinga?" I smiled, kaya pala, "Hindi. Sanay na naman ako na hindi magpahinga ng isang buong araw." Sambit ko. Isang bu