Sa fifty kataong negative twenty lang doon ang pwedeng makasama sa amin dahil ang thirty ay puro na matatanda at mga bata.
Tumango na lang ako, "Okay na rin at least may katulong tayo." Sambit ko kay Eli at En. "Makinig kayo ah. I don't want any of you disregard my voice. Lahat ng sasabihin ko dapat ninyong sundin dahil para lang din naman ito sa lahat, para din sa ikagagaling ng mga ka-village ninyo. Naiintindihan nyo ba?"
"Yes/Oo!"
"Good. So hahatiin ko kayo sa dalawa. Group your self into ten." Kaagad naman silang nagsigalawan. Nang magkaroon na ng dalawang grupo ay kaagad naman akong nagsalita. "Good. The group one will be incharge in the symptomatic patients. Lahat ng nararamdaman ng mga taong may sintomas ay dapat recorded. Record the name and give the patient a patient number. Start with symptomatic patient number one. Remember you must wear the protective equipment I made. Clear?"
Tumango tango naman sila at saka umabante si En. "Ako ang makakasama nyo. Tutulong ako sa inyo."
Kaagad naman umalis ang grupong iyon at nag punta sa isa pang mansion kung saan naka-quarantine ang mga may sintomas.
"So, Eli will be with you. Kayo naman ang makakasalamuha ng mga may sakit kaya naman huwag na huwag ninyong kakaligtaan ang paggamit ng mga protective equipment dahil kung hindi kayo naman ang manganganib." Tumango naman sila at saka naman sumama sa kanila si Eli.
Sa ngayon hangga't wala pa akong nakukuhang data hindi pa ako pwedeng kumilos kaya naman hinayaan ko na lang muna sila na kumuha ng data na kakailanganin ko.
Nag print na ako ng mga papers na gagamitin nila para sa mga pagbibigay ng number sa patient at mga sticker number na ididikit nila sa quarantine room ng patient para mas mapapadali ang pag kilala sa kanila.
Nang makapasok ako sa office ay nakita ko si Mister Almujuela at ang lima pang tutulong sa akin sa pag momonitor ng mga pasyente.
"Nabigyan na ba sila ng trabaho?" Mari asked.
I nod. "Oo, buti na lang marami rami din ang nakuha nila Eli na tutulong sa kanila."
"Ano ba talaga ang nangyayari? Bigla na lang nagkaganito." Joshed asked at halatang hindi pa rin sya nakaka-get-over.
"Yung inaakala nyo kasing nagligtas sa inyo at nagbigay sa inyo nitong kung anong meron kayo ngayon ay mga ganib. Mahirap man sabihin sa inyo pero isa lang kayong tester para sa kanila. Kung hindi lang kaila lolo Mar at lola Paz matagal na kayong ubos sa lugar na ito."
I heard the other old guy sigh, "Hanggang sa huli pa rin pala hindi tayo pinapabayaan ng dalawang matandang yun."
"Yes, lolo Fred. Hindi talaga nila tayo pinabayaan." Mishia said.
Mari, Mishia, Joshed, lolo Fred and that silent Celion will help me and Mister Almojuela in monitoring.
"Sa tingin mo Akesia kelan sila matatapos na kumuha ng data?" tanong naman ni lolo Fred sa akin.
Napaisip naman ako, "Kung kakalkulahin ko sa ngayon siguro two to three days makukuha na nila. Since hindi sila makakalabas ng mansion hangga't hindi nila natatapos ang mission nila ay hindi tayo pwede mag analyze. Kung sa pagkuha lang ng data aabutin sila ng two to three days pero dahil kailangan din naman nila alamin sa sarili nila kung nahawa ba sila o hindi ay aabutin ng limang araw."
"Bakit bawal sila lumabas lubas once na nakapasok na sila doon sa mansion?" Mishia asked.
"Dahil kung lalabas labas sila at nahawa na pala sila paano ang mga negative? Paano tayo?" sagot naman ni Joshed sa kanya.
Huminga na lang ako ng malalim at saka nagsalita. "Hindi lang naman dahil sa mga negative kaya hindi sila pwedeng lumabas." Sambit ko at naramdaman ko naman ang tingin nila kaya naman inisa isa ko rin silang tingnan. "Once na napasok sila at na-infect sila at lumabas sila magiging malala kaagad ang mga kondisyon nila at magiging mas delikado ito hindi lang para sa mga negative kundi pati na rin sa buhay nila."
"Kung ganoon bakit mo sila pinayagan na sumama doon?!" inis na sambit naman ni Mari.
Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Sa tingin mo ba kakayanin nila Eli at En kapag silang dalawa lang? We must have a front liner for this. Hindi ko naman sila gustong mahawa but the time is not in our hands right now. Sooner or later malay natin kung may isa sa mga pasyente na sumuko. Hindi natin alam."
Hindi naman sya agad nakapag salita sa sinabi ko at naramdaman ko na nararamdaman din nila ang tension sa pagitan namin ni Mari pero hindi ko na naman kailangan pang makipag talo.
Bakit ako makikipag talo eh wala naman sa katuturan at wala din naman akong mapapala.
Time is what we against this time not that epidemic because we already had our antidote. We just need to secure and monitor the patients.
✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒
Four days later En and her group are already okay. Isa lang ang nahawa sa kanila dahil nagaroon ng ubo out of the blue.
"Paano sya nagka-ubo? Hindi ba sya nag mask?" tanong naman ni Mishia.
"We're wearing a protective equipment at hindi talaga maiiwasan mahawa lalo na kapag derekta kang naubuhan. Derektang naubuhan si Lisza kaya sya nagkaroon ng symptoms." Agad naman na sagot ni En kay Mishia saka ito tumingin sa akin. "Iniba namin ng room si Lisza dahil hindi pa naman namin alam kung green ba talaga ang tumama sa kanya base lang sa isang sintomas."
Tumango ako. "Good job. You can rest now. Tutulungan nyo na lang ako after namin ma-analyze ang mga nasa list."
"Si Eli.."
"Eli is still in the number two mansion." Sagot naman ni lolo Fred. "Hindi pa sila nalabas dahil mas marami ang nandoon na kailangan nilang kuhanan ng data." Dagdag pa nito.
"Don't worry she'll be fine." Dagdag naman ni Mister Almujuela.
Nang makaalis na sila En ay kaagad naman naming hinati hati ang mga papers pero ako pa rin ang talagang mag-aanalyze ng mga sakit.
"Paghiwa-hiwalayin natin. Lahat ng may lagnat at ubo. Skin disease and fatique to stroke is different from them kaya unahin natin ang mild."
"Patient thirty seven and patient fifty three has caugh."
"Same with patient five and twenty nine."
"Eighty six has skin disease. Kabilang ba ito?" Mari asked and kinuha ko ang data.
"Itabi nyo na muna ang hindi ubo at lagnat." Mister Almojuela said.
✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒
Inabot din kami ng apat na oras sa pag alam ng mga data at sa isang daan na may sintomas sixty-nine doon ay ubo pa lang pero ang thirty-one na pasyente ay may lagnat na.
"Sa thirty-one na pasyente ang twenty sa kanila kailangan lang ng yelo sa noo at ang eleven naman ay kailangan maligo sa isang bath tub nap uno ng yelo." Sambit ko.
"Nahihibang ka na ba? Edi mas lalo silang magkakasakit nyan." For the first time si Celion nagsalita.
"No, ang virus sa katawan nila ang nagbibigay sa kanila ng mainit na pakiramdam na para silang pinapaso. Alam na alam nila sa sarili nila na sobrang init kaya naman kahit na sobrang lakas ng aircon sa mansion na kinalalagyan nila ay pakiramdam nila mainit pa rin at parang sinusunog ang buong katawan nila."
"Paano mo nalaman?" nagtataka namang tanong ni lolo Fred.
"Nakalimutan nyo na po ba? Lahat sinabi na sa akin ni lola Paz. Kasama na ang sintomas at lahat ng pwedeng mangyari sa isang pasyente." Sambit ko.
Nararamdaman ko ang pag dududa sa kanila pero hindi ko na ito pinansin pa dahil wala din namang mangyayari. Hindi din naman nila ivo-voice out ngayon ang nararamdmaan nila.
✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒
After naman ng pag aaral namin ay kaagad naman kaming gumawa ng napakaraming ice cube. Sa isang cube freezer na ginagamit sa mga process food ang ginamit namin at buti na lang may labing lima nito kaya naman kaagad kaming nakarami ng gawa.
Tumulong na rin kasi sa amin ang mga naiwan sa labas sa paggawa ng cube ice para sa panligo at panlagay sa ulo ng isang pasyente.
Kinabukasan naman ay gumawa kami ng panlagay sa noo at saka naman namin pinaasikaso kila En ang mga gagamiting bath tub ng mga pasyenteng matataas ang lagnat at kung ubo naman ay nagsipiga kami ng mga lemon.
Good thing na isa sa mga number one na pananim nila ay ang mga lemon dahil sabi nila ini-import daw ito sa ibang bansa. Akalain mo yun nakatulong din pala ang mga taga-organisasyon sa ekonomiya ng bansa.
"En."
"Yes?" sagot naman nya nang makalingon sya sa akin.
"Ang pagpapaligo ng isang bath tub nap uno ng yelo ay konti konti. Basta may tubig na normal saka nyo ilagay ang mga yelo. Huwag nyo biglain dapat makayanan ng pasyente dahil baka hindi nila makayanan at ayawan nila ang proseso."
"Copy that. Si Eli nakalabas na ba sa mansion?" she asked.
Umiling ako, "Hindi pa pero last day nila ngayon at baka mamayang gabi ay nandito na sila para ibigay sa amin ang data."
Tumango naman sya saka umalis at nagready na sila na bumalik sa mansion.
"Mister Almujuela?' tawag ko at lumingon naman sya sa akin. "Can we talk? Just the two of us. May itatanong lang ako."
Tumango naman sya. "Sure, tara sa meeting room."
Alam ko na narinig nila Mari ang sinabi ko kay Mister Almujuela pero wala akong pakialam dahil hindi naman ito related sa kanila. Wala akong balak na isali sila sa usaping ito dahil wala din naman silang maitutulong.
"May mga hindi ka ba malaman sa lugar na ito?" tanong ni Mister Almujuela nang makarating na kami sa meeting room.
Umiling naman ako at kinuha ang swivel chair saka umupo, "May kilala ka bang Eros?"
"Eros Luzasla?"
"Hindi ko alam ang last name nya pero friend sya nila Eli at En."
Tumango naman sya, "Eros Luzasla nga. Bakit may problema ba?"
Bumuntong hininga naman ako. "Hindi ko alam kung problema ba na matatawag ito dahil wala naman tayong alam tungkol sa kanya but I want to know." I paused and I looked at him. "Kasama ba sya sa mga pasyente?"
Agad naman na umiling si Mister Almujuela. "No." agad na sagot nito. "I will be honest to you. Kasama nila mayor si Eros na umalis sa lugar na ito and hindi ko naman alam kung saan sila nagpunta."
"May alam ka ba na secret place or something ng mayor nyo?"
Sandal syang napaisip at saka tumango, "Meron. Sa gitna ng west forest may bahay doon. May underground yun."
Tumango ako. "Okay after ng pangyayaring ito sa village titingnan natin yun."
Mag sasalita pa sana si Mister Almujuela ng may biglang bumukas ng pinto.
"Miss Akesia! We need your help! Hindi mapakalma ng mga front liners ang mga pasyenteng may lagnat!" nagpapanic na sambit ng isang babae.
Tumayo naman ako kaagad. "Mukhang ako mismo ang papasok sa lugar na iyon ah."
"Be careful." Nag aalala na sambit ni Mister Almujuela.
Tumango ako, "I will."