GREEN CHAPTER 20

1286 Words
"Sigurado ka na ba dito sa planong to?" tanong sa akin ni En. Seryoso ko naman syang tiningnan saka sinabing, "Isang beses ako nagkamali at pinagpatuloy ang planong hindi ko sigurado kung mag tatagumpay o hindi. I don't want the history repeats itself so I am sure na siguradong sigurado na ako sa planong ito." "Bakit ano bang nangyari?" pang uusisa naman ni Eli. "It's for me to know and for you to find out." "Alam mo hindi ka lang psycho no? Dami mo pang alam. Bakit kaya hindi mo na lang sabihin?" Livi said. "First of all, I am not a psycho for the nth time. Hindi ka ba nakakaintindi? Second, bakit ko naman sasabihin sa inyo ang walang kinalaman sa nangyayari ngayon? Its my life and it depends on me kung sasabihin ko o hindi." At saka naman ako nag cross arm. "Now my turn to ask. Bakit anong dami mong tanong? May Karapatan ka ba?" taas kilay kong sabi. Hindi na nagsalita pa si Livi dahil tinakpan na ni En ang bibig nito, "Pasensya ka na sa bibig ng lalaking ito, Akesia. Hindi ko nga alam kung sino talaga sa kanila ni baks ang tunay na bakla eh." Marahas naman na inalis ni Livi ang kamay ni En at sinamaan ito ng tingin, "Gusto mo bang halikan kita dyan para hindi mo na ako matawag tawag na bakla?" "At kelan naman kita tinawag na bakla?" "Ngayon lang Eli. You called him a gay. Honestly, bagay kayong dalawa." Sambit naman ni En. "EW!" sabay na sabi ng dalawa. Napailing na lang ako. For almost a week we've been together anong akala ng mga to wala akong nararamdaman? I know everything kahit na hindi sila magsalita. This time in denial lang ang dalawang ito. Or maybe no. Eli wont accept any commitment for now. Siguro para sa kanya mas okay kung matatapos na muna ang nangyayaring ito. And for Livi, I know he loves Eli from the day Eli set her foot on this village. Livi always make his way to protect this girl from that day up until now. Hindi ko lang alam kung bakit mas pinipili nyang protektahan si Eli ng palihim kahit na kaya naman nya itong gawin ng alam ni Eli. Or maybe dahil hindi naman siya gaano kakilala ni Eli kaya ganun? Baka nga. "Pag alis nyo sa lugar na ito siguraduhin nyo lang na walang makakaalam ha? Dahil kapag ako dito na istorbo ako mismo ang huhukay sa libingan nyong tatlo." Pagbabanta ko sa kanila. "See? See that, Eli? Di ba psycho talaga ang babaeng yan? Advance mag isip! Libingan agad!" Umirap na lang ako sa kumento ni Livi. Masyadong madaldal. Baka magkasundo sila ni Aira kung sakaling magkakilala ang dalawang ito. Speaking of Aira, does she still feel inferior with the others? Sana hindi na. Sana din maramdaman din ng iba ang inferiority na nararamdaman ni Aira sa kanila. "Aisht!" napasabunot naman ako ng buhok ko. "Gusto ko na makaalis sa lugar na ito. I miss my team!" at padabog akong umalis. "Ano nangyari sa babaeng yun?" -Livi "Aba malay namin. Ano bang alam namin di ba?" -Eli "Bobo lang Livi pano namin malaaman?" -En. Nag usap pa ang tatlo pero hindi ko na naririnig dahil pumasok na ako sa tulugan namin. Mamayang gabi aalis na sila sa lugar na ito para umakyat sa village. Wala kaming alam kung ano na ba talaga ang nangyari sa village pero sabi ni Livi wala na daw doon ang mga taga organization. Hindi man ako naniniwala sa sinasabi ni Livi na wala na doon ang mga taga organization pero um-oo na lang ako. Alam ko na wala silang gagawin na masama kila En at Eli dahil kila lola Paz at alam ko rin naman na hindi sila ipapahamak ni Livi. Kung wala na ang mga taga organization sa village ibig sabihin may mga mata at tenga sila sa bawat sulok. Kailangan ko muna iiwan ulit kay Eli ang kalahati ng abilidad ko para naman alam nya ang gagawin nya sa mga spy ng organization. Pero bago yun dahil hindi pa naman ngayon ang alis nila ay magtatry muna ako baka makausap ko ulit si Marvin. Ni-lock ko ang pinto saka naman ako umupo sa kama at nag meditate. Sana makausap ko ulit sya. I miss him so bad. I miss my man. I miss Marvin. And I miss my friends. Marvin I tried to convey my feelings pero no avail. Marvin... Please naman sumagod ka naman. Marvin... Nakaramdam naman ako ng kakaiba. Marvin? Nararamdaman mo ba ako? Naiintindihan mo ba ako? Naramdaman ko na may saya sa puso ko at the same time pagkawala ng tinik sa dibdib. Bakit ka nakakaramdam ng ganito, Marvin? I may sound gay but I cried a lot. Cried? Did he think I'm dead already? Akala mo ba patay na ako? Bigla namang nawala ang nararamdaman ko. Napasabunot naman ako, "Shiznits naman! Kung kelan nakausap ko na eh! Ano to signal? Pawala wala? May tower ba na malapit dito?" inis kong sambit. Nakarinig naman ako ng katok, "Akesia? Okay ka lang ba dyan?" "Okay lang ako, Eli. Huwag nyo ako alalahanin. May ginagawa lang ako." "Okay. If you need help nandito lang kami." She added. Sandali naman akong napatigil. Help. Nandito lang kami. That's my friends line. I miss them too bad. All of them. Naramdaman ko naman ang pagpatak ng luha ko at saka ko naman ito pinunasan, "Yeah, thanks." Nang maramdaman ko naman na wala na siya sa harap ng pinto ay nag-meditate ulit ako para maramdaman si Marvin. Marvin... Shit Akesia! Akala ko may nangyari na sayo! Ramdam na ramdam ko ang saya at pagkawala ng kaba nya. Sorry hindi stable ang ability ko sa lugar na ito. I want you to know that I miss you. I miss you so much. I can feel that he is longing for my hug and kiss. That he misses me too. I miss you too, Akesia. For now Marvin I want you to be aware of everything. The Green Organization don't have enough cure for the epidemic! What epidemic? You mean the Green virus? Is that how they named it? I don't know if you are talking about the virus that killing tens of thousands of people right now. Huminga naman ako ng malalim sa sinabi ni Marvin. Listen Marvin. Hindi tama ang antidote na meron ang Green Organization. I made the antidote myself at kilala ko rin kung sino ang gumawa ng virus. I will tell you all when we see each other. Nakaramdam naman ako ng tuwa. I know he's happy and me too. So ano balak mo? Ililigtas muna namin ang mga tao dito sa village na kinulungan ko. Kailangan ko sila iligtas dahil nag promise ako sa gumawa ng virus. Isa pa kasama ko ang mga apo apuan nila. I have two girls and a noisy boy here with me. I am safe. Don't worry. Naramdaman ko naman na nawala ulit ang connect. Automatic naman ako na napasimangot. "Kainis." Nakabusangot akong tumayo at lumabas ng kwarto. "Oh anyare sayo?" tanong agad ni Livi at mas lalo akong napasimangot. "Anong problema mo?" "Mukha mo problema ko. Pwede ba manahimik ka na lang?" "Para namang hindi mo nakausap yung jowa mo. Wait, may jowa ba?" Umirap naman ako, "Hindi naman kagaya mo lahat ng lalaki. Hindi naman torpe yung lalaking nagugustuhan ko kaya naman jowa ko na sya ngayon. Now, shut up and never show your face." "Grabe naman sya." The connection I have with my friends and my love one seems weaker here. Kapag nakalabas ako ditto itatry ko ulit. Sana lang makalabas ako agad. Miss na miss ko na kasi sila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD