***LEREN's POV*** "Doon. Doon tayo," instruction sa akin ni Zrion habang naka-piggyback pa rin siya sa likod ko. Kahit hirap na hirap na ako at lawit na ang dila na karga siya ay pinilit ko pa rin na dalhin siya sa kahit paano ay may silong na rooftop. Dahan-dahan ko siyang pinaupo. "Are you okay? Sabi ko naman kasi mabigat ako," aniya nang makita niyang hingal na hingal at puros pawis ang aking mukha. Tumabi ako nang upo sa kanya. "Ayos lang. Ano pang silbi na may girlfriend kang maganda at mataba kung hindi ka tutulungan lalo na sa ganitong sitwasyon. Kapag ganito wala nang lalaki at babae, ang mahalaga ligtas tayong dalawa." Tabingi ang naging ngiti niya. "Ibang klase ka talaga." Sa sinabi niya'y proud akong kininditan siya. "Ang problema safe ba tayo dito sa rooftop?" "Hindi