***LEREN's POV*** Nang niyakap ako ni Zrion ay buong akala ko'y katapusan na namin. Akala ko'y sasabog na kaming talaga kaya sobrang kumapit din ako sa batok niya. Mariin na mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang nakasubsob ang mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat niya. "Malakas pa rin ako kay Lord," mayamaya ay salita na ni Zrion, puno ng kaginhawaan ang himig. Speechless pa rin ako na nakiramdam. Ni konting kilos ay wala pa rin akong ginagawa. Ayaw kong kumilos dahil baka 'pag kumilos ako ay doon biglang sasabog ang bomba. "Leren, ligtas na tayo." Gusto nang kumawala ni Zrion sa yakapan namin. "Sshhh!" pero saway ko sa kanya. Lalo ko siyang kinabig. Sa totoo lang, hindi naman ako halos takot mamatay kanina. Wala namang saysay ang buhay ko. Tinanggap ko na kanina na hangga