***LEREN’s POV*** “Sa tingin mo wala talagang itinatago na iba pang pagkatao si Doc Zrion, pimps?” pangungulit ko pa kay Xalene sa topic na iyon. Hindi na talaga kasi mawala sa isip ko ang tungkol sa baril, katana, at ang galing ni Doc Zrion sa pakikipaglaban. I really sensed something was not right. “Tumigil ka nga sa bagay na iyan, babs. Normal lang iyon, ‘no ka ba?” tamad niyang tugon dahil busy siya sa pagse-set up ng camera para sa gagawin naming vlog. Nasa labas kami at pinili naming sa likod ng villa mag-take ng shoot. Mas maaliwalas at magandang background ang mga naglalakihang puno. Mukhang green screen lang. “Paanong normal iyon sa isang doktor?” himutok ko. “Syempre mayaman siya. Lahat ng bagay sa mundo na gusto o nais niya ay magagawa niya. Baka nga piloto pa siya o kaya n