***ZRION’s POV*** I pushed myself up in bed. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako mula sa pagbabasa. Sinulyapan ko ang digital clock na nakapatong sa bedside table—4:30 ng hapon ang sinabi sa akin na oras. Bakit kaya hindi pa ako dinadalhan ng meryenda ang babaeng iyon? I-report ko na ba kay Felicity na nakalimutan na ng alaga niya ang responsibilidad na gawan ako ng pagkain kasama na ang snack? I took a deep breath and composed myself. Para na akong bata kapag ganoon. Sa pasadyang cupboard ako dinala ng aking mga paa. Kinuha ko lang doon at binuksan ang mamahaling alak na Conac Barcellona. Nagsalin ako sa wineglass ng kalahati at nilalaro ko iyon habang patungo sa round balcony upang magpahangin. Ipinatong ko ang mga siko ko sa balcony ledge habang hawak ang wineglass. Ang hin