***LEREN’s POV*** “Aaaahhhh!” animo’y nasusunog ang villa na sigaw ko pa matapos kong makaalpas sa ilalim ng kama. Kumaripas ako ng takbo palabas ng kuwarto ni Doc Zrion. Hindi ko na hinintay na muli siyang makalabas mula sa banyo. Ang laking kobra ang nakita ko! Nakakatakot kapag iyon ay lumabas ulit! Mabilis kong isinira ang pinto ng kuwarto ko. “Leren!” At kahit narinig kong galit na tawag na sa akin ni Doc Zrion ay ini-lock ko pa rin ang pinto. Parang shunga na iniharang ko pati ang katawan ko para masigurong hindi niya mabubuksan. “Leren, buksan mo ang pinto kung hindi papasabugin ko itong villa! Bibilang ako ng tatlo!” banta niya habang kumakatok. “Isa!” Daig pa ang mukha ko ang ibinabad sa suka. Pakiramdam ko ay nagbabaga sa kahihiyan ang magkabilang pisngi ko. Gusto kong ma