***LEREN’s POV*** Nang mga sumunod na araw ay hindi ko na pinagtakhan ang madalas nang pagngiti at pagtawa ni Doc Zrion. Kung nag-iinuman nga sila nina Rog at Al ay siya pa ang pinakamalakas ang halakhak dahil siya ang madalas nauunang malasing. Minsan ay siya pa ang nagyaya sa akin na sumalo sa kanila. Hindi lang ako pumapayag dahil hindi ako sanay na uminom. Takot ko lang kay Kuya Rain ko noon. “Miss Leren, anong ginawa mo kay Boss at biglang hindi naging bugnutin ang ulo? Anong black magic ang ginawa mo?” tukso sa akin isang araw ni Al pagkapasok na pagkapasok ko sa kusina. Naunahan na naman nila ako sa trabaho ko. “Totoo.” Si Rog na nagsasaing na, na dapat ako ang gumagawa. “Tigilan niyo ako,” sabi ko at tinungo ko ang lababo. Muntik na silang matawa. Hinarap ko naman ang