***LEREN’s POV*** “Ano bang sinasabi mo, babs? Magkakasambahay ka, eh, ang ganda-ganda ng buhay mo sa gym?” Xalene poked me in my love handles. “Ano ba?” Nakiliti akong napausod at tiningnan siya ng masama. “Eh, para kasi ka namang shunga. Nagdedesisyon ka na naman ng bigla-bigla.” “Oo nga naman, Leren. Ipagpapalit mo ang trabaho mo doon sa gym sa pag-aasikaso sa isang tao?” sang-ayon ni Miss Felicity sa kanya. I inhaled deeply. “Hindi na po kasi ako masaya sa gym. May asungot na po kasi doon. Ang hirap po sa akin na makasama at makita siya araw-araw.” Natigilan na silang dalawa. Nagkatinginan sa isa’t isa. “Well, if that’s the case and you are seriously willing to accept the job, I will be glad, of course. Wala na akong problema, eh. Pero ang gusto ko ay pag-isipan mo muna.” “Per