***LEREN’s POV*** “Do you want to die?” Sa tono ni Doc Zrion, alam kong hindi iyon simpleng tanong kundi isang death threat. Mabilis na bumagsak ang ilusyon ko na hahalikan ako ng dyablo. “Alis!” Tinabig na niya ako at padaskol na bumangon. “Ay!” Sa lakas niyon ay napasandal ako sa headboard ng kanyang kama. Mabuti na lamang malambot kaya hindi ako nasaktan. Ang puso ko ang nasaktan. Hindi ko alam pero unang pagkakataon na may kumirot sa bahagi ng puso ko sa inasal niya. Ang sakit na makitang parang nandidiri siya sa akin. Madilim ang mukha niyang nilingon ako. Nagtatangis ang bagang niya. “Mula ngayon ay hindi ka na puwedeng pumasok dito sa kuwarto ko. Kung hindi ako sumasagot, ibig sabihin ay ayaw kong kumain. Is that clear?!” Nangilid ang mga luha ko at parang may kung anong bum