***LEREN’s POV*** Yakap si Pawpaw ay nakangiting pinapanood ko ang pinapakuluan kong pork neck bones para gagawin kong sinigang. “Sinigang na pork neck bones ang gusto kong ulam mamaya,” request kasi sa akin ng dyablo kanina… este ng angel na pala kasi ngumingiti na siya. Ang siyang dahilan kaya hindi na maalis din ang ngiti ko sa mga labi ko. Wala lang, feel na feel ko lang na ako ang dahilan kaya alam niya ulit ang ngumiti. “Saglit lang, Pawpaw. Okay na yata ang pinapakuluan ko. Magluluto na ako,” sabi ko sa pusa’t maingat na inilapag ko siya sa katabing upuan. At sa totoo lang, nabobo ako sa sinigang na pork neck bones na pinagsasabi ni Doc Zrion. Kinailangan ko pang magtanong kay Pareng Google kanina. Tapos lumabas sa result na sinigang na buto-buto lang pala. Pinahirapan pa ako.