***LEREN’s POV*** “At ano sa tingin mo ginagawa mo?” Dinikmat ni Zrion ang kamay ko na dapat ay dudukot ng sitseryang kinakain ko. “Ikaw? Anong ginawa mo?” balik ko sa marahang boses. “Anong ginawa ko? Dammit! Hinanap lang naman kita kung saan-saan but for Christ’s sake, nandito ka lang pala! Kampanteng kumakain at wakang pakialam sa mister mo na sobrang nag-aalala sa iyo!” Alam kong nag-expect siya ng intense reaction mula sa akin, but I simply looked at him. Litong hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa akin. “Ano ba talagang nangyayari sa iyo? Alam kong buntis ka pero sumusobra ka na.” Walang anumang binawi ko ang kamay ko. Walang emosyon. “Ano pang pinagbubutok ng butse mo? Kinukulit pa ba kita? Hindi naman na, ah.” “I looked for you everywhere, kami ni Al! We even almost w