***ZRION’s POV*** Wala akong asawang inabutan pag-uwi ko sa villa. Ginalugad na namin ni Al ang lahat ng alam naming kinaroroonan niya pero wala talagang Leren. “Bumalik tayo sa ospital, Al. Mukhang tinotoo ni Leren ang paglalayas na banta niya sa akin kagabi,” sabi ko sa tauhan ko. “Bakit, boss? Nag-away kayo?” Nahimas ko ang batok ko. “Mahabang kuwento. Basta, iyong kakulitan niya kasi nag-times ten yata. Ang sakit sa ulo.” Napangiti si Al. “Buntis po kasi si Miss Leren. Ganoon po talaga kapag buntis.” “Naunawaan ko naman siya. Ang kaso iyong huling gusto niya kasi ay napakahirap pagbigyan. Wait—” May biglang ideya na pumasok sa isip ko. “I think I know where she is. Sa bahay nina Yazmin.” “Sinong Yazmin, boss?” “I will explain it later,” kako sa kanya. Alalang-alala ako sa a