***LEREN’s POV*** “Salamat po, Sir, at sorry din po sa abala ulit. Alam niyo naman po kayo lang po ang pag-asa ko para magkaroon ng hustisya ang ginawa nila kay Kuya.” Nasisiyahang kinamayan ko si Detective Ryan. Tapos na kaming mag-usap at masaya niyang ibinalita sa akin na may nakukuha na silang lead tungkol sa mga sindikato. “Ayos lang. Ang totoo ay lalo akong ginaganahan na resolbahin ang kaso dahil alam ko na may nagtitiwala at umaasa sa akin,” ngiting-ngiti na sabi naman niya. “Salamat po talaga, Sir.” Kumuha ako ng limang daan sa bulsa ko at ibinigay sa kanya. “Leren, ano ‘to?” “Pangmiryenda niyo po, Sir.” Umiling-iling siyang ibinalik sa kamay ko ang pera. “Hindi mo ako kailangang bigyan ng kahit ano. Trabaho ko ito, Leren, at asahan mong gagawin ko ang lahat na walang kapali