***LEREN's POV*** “Here’s my business card, Leren. Call me right away if you have made a decision.” Inilahad ni Miss Felicity ang card sa harapan ko. Kiming kinuha ko naman iyon. “Sige po.” “Huwag kang mag-alala dahil natitiyak ko sa iyong safe lahat ang product ng Maix Clinic. I guarantee that you will not be harmed, especially your health, if you accept the offer. Mayroon lang siguro kaming mga ibibigay sa iyo na kondisyon sa magiging kontrata kung sakali, pero alam ko naman na kayang-kaya mo. At sasabahin ko ang lahat ng details kapag nagkita tayo ulit.” Pinipilit ko na ituon ang isip ko sa aking binabasa ngunit talagang ayaw pumasok sa aking utak dahil sumasagi pa rin sa isip ko ang naging usapan namin na iyon kanina ni Miss Felicity. Joke joke joke lang kaya ‘yon? Baka naman pran