***ZRION’s POV*** “s**t!” Bumangon na lang ako mula sa pagpipilit ko na makatulog dahil walang silbi kahit nakapit ang mga mata ko. Ang linaw-linaw pa rin ng aking diwa. Hinihila naman na ako ng antok pero as usual ang isip ko ay kung anu-ano ang gumugulo. Bumabalik pa rin sa… Nasabunutan ko ang ulo ko. Ayaw ko nang isipin ang bangungot na iyon. Ayaw ko na! Padaskol na inalis ko ang kumot sa katawan ko at bumaba sa kama. Nagtungo ako sa banyo. Sa medicine cabinet doon ay kinuha ko ang botelya ng aking sleeping pills at uminom ng dalawang piraso. Humihangal ako’t nakakunot-noo na nakipagtitigan ako sa repleksyon ko sa salamin pagkatapos. Ano pa ba ang kailangan kong gawin para makalimot? Nagpakalayo-layo na ako pero bakit ganito pa rin? Ano pa? Nasabunutan ko na naman ang sarili ko