***LEREN’s POV*** Napansin ko nang papalayo ang way namin ni Miss Felicity sa bahay namin. Nahihiya man ay nagpasiya akong bumaba na. Tumikhim ako. “Ma’am, okay na po siguro. Hindi na siguro ako masusundan ng lalaking ‘yon. Salamat po pero puwede na po akong bumaba sa bandang iyon.” Itinuro ko ang isang kanto. “May alam akong bagong bukas na Japanese restaurant. Kain muna tayo, Leren?” Alam ko na napangiwi ako. Paano’y nagreklamo ang tiyan ko agad-agad. Nag-aalburoto ba naman kasi, gusto nang magpatakbo sa CR, tapos may nag-alok pa ng pagkain. Ay-yay-yay! “Don’t worry my treat, of course,” pamimilit ni Miss Felicity. Pinanlamigan ako pero hindi dahil sa ninerbyos ako na sasama ako sa estranghera, kundi dahil nga sa hindi na maganda na nararamdaman ko sa may tiyan ko. Kakayanin ko pa