***LEREN's POV*** "Huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin. Kung totoong mahal mo ako hahayaan mo na ako," pakiusap ko na kay Zrion bago pa muling panghinaan ang loob ko. "Hindi mo naiintindihan," mahinang sabi niya. Napahugot ako ng hininga at tumirik ang mga mata ko. Ano pa kaya ang sinasabi niya na hindi ko maintindihan? Sa ilang sandali, may tila na naman malaking bato na nakadagan sa dibdib ko. Para ba'y anumang sandali ay sasabog na naman ang daluyong ng sakit na tila bombang nais sumambalot sa puso ko. "Leren?" sumamo niya. Kumilos ako't umalis na sa aking kinauupuan. "Naiintindihan ko na lahat! Hindi ako tanga! Kaya utang na looob manahimik ka na!" Hirap na hirap ang kalooban din niyang tumayo. "Saka ko na kukunin ang mga gamit namin dito sa bahay. May dalawang buw