***ZRION’s POV*** “Kalimutan mo ang babaeng iyon, Zrion, or else your Dad will sever all ties with you! He will disown you!” Tulad pa rin noong bata ako ay nasaktan pa rin ako sa binitawang salita ng aking ina dahil malinaw na wala pa rin siyang pakialam sa damdamin ko, hindi ko lamang ipinahalata. I didn't even display any emotion. “Narinig ko kanina na pinapaiba niya ang last will niya kay Attorney. Oras na talikuran mo ang kompanya dahil lamang sa babaeng iyon ay wala kang makukuha kahit isang kusing na mana. Lahat ng pag-aari ng ama mo ay mapupunta sa bastardong Syver na iyon! At hindi ako makakapayag!” mariing sabi pa ng aking ina na wala nang inisip kundi ang pera at ang pride niya. Bumuntong-hininga ako. “If that's what Dad wants, let him be. After all, anak din naman niya si S