***LEREN’s POV*** Nalunok ko ang tila kibig sa aking lalamunan habang palihim na tinitingnan ko sina Kent at Corinne na nag-uusap sa may mga kettlebells. Halatang nagkapalagayan na talaga sila ng loob. Sinusungitan ko si Kent sa pag-aakalang iyon ang paraan upang mawala na ang nararamdaman ko sa kanya kasi wala naman siyang isang salita, ngunit ngayong hindi naman na niya ako kinukulit ay nasasaktan naman ako. Iba na ang laging gusto nitong kausapin, si Corinne na. Pakiramdam ko tuloy ay pangalawang beses na akong naetsapuwera ni Kent. Parang gusto ko nang pagsisihan na hindi ko siya binigyan ng pagkakataong kausapin ako. “Bagay sila, ano?” Nagulat ako nang bigla ay nagsalita sa may punong tainga ko mula sa likod si Xalene. Kanina ay nakita ko lang ito sa may pull-over bar, ngayon nasa