***LEREN’s POV*** “Pulis! Pulis! Tulong!” mga sigaw ko pa habang pinuprotektahan ko ang bata na muntik nang dukotin ng lalaki. Karga-karga ko siya at handa akong makipagpatayan mailigtas ko lang siya. “Leren, anong nangyari?! Bakit ka sumisigaw ng pulis?!” Mas nagatungan pa ang tapang ko nang narinig ko na ang tinig ni Xalene. Buti at nakabalik agad ito mula sa pagbanyo sa isang fast food chain. Kung kailan kasi nakalabas na kami sa Maix Clinic ay saka nakaramdam daw ng ihi ang gaga. “Xalene, tumawag ka ng pulis! Ang van na iyon! Kidnapper sila! Gusto nilang kunin ang batang ito!” natatarantang utos ko sa kanya habang itinuturo ang itim na van. Aktong bubunotin naman sana ni Xalene ang cellphone niya pero dahil nakita na niyang humarurot na paalis ang van ay hindi nito itinuloy. “Tuma