***FELICITY’s POV*** Nagsalubong ang mga kilay ko nang puntahan ko si Zrion sa kanyang inukopang silid. Prenteng nagbabasa lang ito ng ewan kong anong libro iyon, but I bet libro about medicine na naman. Parang wala talaga itong pakialam na may dinala akong bisita. Well, hindi naman bisita si Leren pero hindi pa rin deserve ng tao ang ganitong pagtrato ng magiging amo nito. “Can we talk?” pormal na tanong ko sa kanya. “Kapag aalis ka ay isama mo ang mukhang kalabaw na iyon,” ngunit sing lamig ng yelo na sabi lang nito. “Really, Zrion? Doktor ka pa naman na naturingan pero ganyan ang tawag mo sa tao?” Marahas ang ginawa niyang pagbaling sa akin. Rebellion flashed in his eyes. “Narinig mo naman kung anong tawag niya sa akin, ‘di ba? She called me ‘dyablo’. Mas Malala iyon sa kalabaw