***LEREN’s POV*** Pabaling-baling ako sa aking pagkakahiga. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung namamahay ako o dahil hindi ko talaga feel na may kasama akong dyablo sa iisang bahay. Maayos naman na kuwarto ang ipinaukapa sa akin ni Miss Felicity. Ang lambot nga ng kama, eh. Malawak pati dahil hindi sa maid’s quarter. Napilitan akong tawagan sina Corinne at Xalene. Busy ang linya ni Corinne kaya si Xalene ang sumagot. Nasa bahay na raw siya at kumakain ng noodles. Isa rin kasi na kababaeng tao ay hindi marunong magluto. “Hmm… parang ang laki ng problema mo, ah?” puna sa akin ng bruha habang ngumunguya. Marahil ay ni-loud speaker niya ang tawag. Pumalatak ako at umupo sa ibabaw ng kama. Tuluyang nagising ang diwa ko. Tiyak na hindi talaga ako makakatulog nito