***LEREN’s POV*** Ang inakala kong magiging busy ako kinabukasan ay hindi ko magawa-gawa. Sapagkat heto ako, nakatanga sa kawalan sa may labas ng villa. Tinatanaw ko ang hangganan ng daanan. Umaasa na sana may papasok na roong magarang kotse. Nananalangin na sana dumating na si Miss Felicity. Natapos ko nang linisin ang kusina kanina pa pero dahil bigla akong nakaramdam ng gutom ay nawalan na ako ng lakas na linisin din ang ibang bahagi ng villa. Paano ba naman kasi ako kikilos kung kumakalam ang sikmura ko? Gutom na gutom na ako. Gusto kong magluto. Gustong-gusto kahit sana magpakulo lamang ng tubig. Ang tanong anong lulutuin ko kung kahit kape ay wala akong makita sa kusina? “Miss Felicity, dumating ka na, please? Malapit na akong pumayat sa gutom,” sumamo ko kay Miss Felicity. Um