***LEREN’s POV*** “Subukan mong magpakita sa akin! I’ll rip your eyebrows off!” Galit na galit na bulahaw ng dyablo nang pumasok sa kusina. Hinahanap kasi niya ako pero hindi niya ako mahanap. Imbes naman na matakot ako ay walang tunog na tatawa-tawa ako. Hindi niya ako makita-kita kasi nasa ilalim ako ng lamesa. Ikinukubli ko ang sarili ko sa mga karton na pinamili ni Miss Felicity. “Sh*t!” mura niya at tumakbo sa lababo. “Ang anghang!” Muntik na, muntik na talaga akong mapabulanghit ng tawa buti na lamang at naitakip ko sa bunganga ko ang mga palad ko. Hindi ako nagi-guilty sa ginawa ko. Deserve niya ang nangyayari sa kanya. Dyablo na nga’y madamot pa. Eh, di natikman niya ang paghihiganti ng isang api. Nagtatawa pa ako ng walang tunog. Natigil lang ako nang marinig kong tumunog