***LEREN’s POV*** “Kumusta kayo rito, Ineng?” tanong ng isang matandang babae sa akin na biglang sumulpot sa likuran ko habang nagtatabas ako ng mga damo. Sa katandaan niya’y medyo kuba na siya. “Ayos lang naman po,” kako na nagtataka kung sino siya. Itinigil ko muna ang aking paglilinis at hinarap siya. “Mabuti naman.” Ngumiti siya ngunit hindi umabot sa mga mata. May bahid ng lungkot. “Ako nga pala si Estela. Asawa ako ni Igme na dating tumitingin dito sa villa ng pamilya Maixner. Bigla ko lang siyang naalala kaya nagtungo ako rito.” Hinaplos ng awa ang puso ko para sa kanya. Tulad ko malamang ay nangungulila si Aling Estela sa pumanaw na mahal niya sa buhay. Ang hirap naman kasing maiwanan, lalo na siguro sa kanya dahil asawa niya ang nawala sa kanya. “Hindi ko alam na may nakuha n