***ZRION's POV*** Isang huling sulyap pa ako sa bahay nina Leren bago ako tuluyang umalis. Kailangan kong umalis dahil ang totoo, hindi naman talaga siya ang sadya ko kaya napaluwas ako nang bigla-bigla. Dumaan lang ako sa kanya dahil kahit sa huling sandali ay nais ko siyang makita. Pagkasakay ko sa kotse ko ay pinahurorot ko agad. Pupuntahan ko na ang katagpo ko. Kailangan ko na siyang makausap. I'm now running out of time. Wala pang tatlumpong minuto ay umaangil ang gulong ng aking sasakyan nang itigil ko iyon sa harapan ng Wingman's Restaurant. I took of the seatbelt and went out. "Kakain ka?" nagtaka konti na tanong sa akin ng matandang may-ari niyon nang makita niyang umupo ako sa isang table kaysa dumiretso sa basement. Kung titingnan siya ay parang wala siyang kaalam-alam sa n