***LEREN's POV*** "Yes!" Kami na yata ni Xalene ang pinakamasayang tao sa buong mundo sa mga oras na iyon. Kalalabas lang namin sa bangko kung saan namin pinapalitan ang tseke na bigay ni Miss Felicity. Noon lang namin naramdaman na malapit na naming maabot ang aming minimithi na isang milyon kaya ang saya-saya na naming dalawa. Dala-dala ang mga pera ay inutusan ko agad si Xalene na pumara ng taxi. Kailangan naming maging vigilant dahil hindi biro ang dala-dala naming pera. Hindi maaaring madukot o makuha ng masasamang loob. Walang dapat makahadlang sa nalalapit kong pagtuklas sa kung sino ang tao sa likod ni Solomon. One hundred thousand pesos, iyon na lang ang kulang ko. At kung tutuusin, isang tawag ko lang kay Corinne ay solve na sana, ngunit dahil may gown pa naman akong maaaring