***LEREN's POV*** "Okay na, sweetheart. You can open your eyes now. Nagbayad na siya sa kasalanan niya," pamamayapa sa akin ni Zrion habang iniipit niya ang mga tumikwas na buhok ko sa likod ng mga tainga ko. Alanganin man ay nagmulat na nga ako ng aking mga mata. "P-patay na siya?" "Ibinalik ko lang siya sa impyerno," sagot ni Zrion tapos ay inilahad niya sa harapan ko ang kamay niya. "Let's go home. You need some rest." Inabot ko iyon at naramdaman ko ang pagpisil niya. "Careful," sabi pa niya na tudo alalay sa pagbaba ko sa nakakadiring surgical bed. Muntik na akong maliyo. Medyo nahihilo pa kasi ako pero kere naman. Buti at mabilis na nahawakan niya ako sa baywang. "May itinurok ba sa 'yo?" tanong niya. Umiling ako. "Sinuntok ako ng isang lalaki sa sikmura kaninang nanlalaba