***ZRION's POV*** "Ano pa ang hinihintay mo, Kent? Tapusin mo na ang EXODUS na 'yan!" mayabang na pagmamando pa ng pangong ungas kay Kent. Kumuyom naman ang mga kamay ko habang nakikipagtitigan ng masama kay Kent. "Boss?" Nag-alala na si Al na lumingon sa akin, makikita kasing unti-unti nang kinakalabit ni Kent ang gatilyo ng hawak niyang baril, pero hindi ko siya pinansin. Hindi pa rin ako nagbitaw ng command. Pinili ko na hintayin ang gagawin ni Kent. "Bago mo ako patayin ay sabihin mo muna sa akin kung nasaan si Leren," at sabi ko na nang wala naman akong mahintay na putok. "Sa lab! Ikaw na ang bahala sa kanya!" Ang hindi ko inasahan ay ang isisigaw niya tapos ay mabilis na inikot ang sarili at ang mga kakampi niya ang kanyang pinagbabaril. Trinaydor niya ang mga kasama niya. Nag-