***LEREN’s POV*** Malakas ang ulan nang tumanghali kaya naman wala kaming magawa ni Xalene kundi ang magkuwentuhan habang nagkakape. Naroon kami sa round balcony ng kuwartong inuukopa ko at pinapanood namin ang pagbagsak ng ulan. Wala, eh. Hindi pa kami makalabas. Wala pa kaming lakas-loob. Nangangamba kami na baka pagbukas namin ng pinto ay biglang pugot-ulo kaming dalawa dahil inaabangan pala ni Doc Zrion ang paglabas namin. Katakot kaya mas mainam nang magkulong muna kami. Sa tuwina ay nagbabasa ako sa Dreame App kapag nauubusan kami ng topic. “Ano?” Hanggang sa napansin ko na ngingiti-ngiti na naman ang bruha. Bahagyang siniko niya ako sa tagiliran. “Silipin natin kung anong ginagawa ni Doc Zrion?” “Subukan mo’t tatadyakan kita sa nguso,” asik ko sa kanya. Napahagikgik na lam