***LEREN's POV*** "Ate Ella, kapag biglang bumalik po si Kent dito pakisabi po na may pupuntahan lang po ako at huwag siya kamo po mag-alala dahil saglit lang ako," malumanay na bilin ko sa kasambahay ni Kent na itinuturing ko na ngayon na kaibigan gawa no'ng nangyari sa amin kahapon. Tulad nang aking instructions ay hindi nga niya binanggit kay Kent ang nangyari. So far safe ang aming sekreto. "Pero paano kung magalit siya? Kabilin-bilinan pa naman niya ulit kanina na huwag ka naming iiwan na mag-isa tapos aalis ka pala?" Nag-isip ako nang puwedeng idahilan ni Ate Ella. "Ah, pakisabi na lang po na makikipagkita ako kay Detective Ryan. Iyong may hawak ng kaso ni Kuya Rain ko. Sure ako na hindi siya magagalit kasi alam niya na importante po iyon sa akin." "Natitiyak mo ba, Miss Leren?"