***LEREN's POV*** "Leren, this is Zrion. Can you hear me?" Muntik na akong atakihin sa matinding gulat. Awtomatiko kasi ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa narinig kong boses ng lalaking kagabi pa gumugulo sa aking isip. Excited akong lumingon sa pag-aakalang nandoon siya, subalit laking pagtataka ko nang wala namang tao sa aking likuran. Wala siya. Guni-guni ko ba ang lahat? Ganito na ba kalala ang pangungulila ko sa lalaking iyon at nakakarinig na ako nang hindi ko dapat naririnig? Nalungkot ako. Kung bakit naman kasi ganito na ang nangyayari. Nagkaroon nga ako ng love life, ang tragic at ang toxic naman. "Why the long face, sweetheart? Nandito lang naman ako," tinig na naman ni Zrion. Napamulagat na talaga ako at napanganga. Sure ako na narinig ko ulit ang boses ni Zrion. Hindi