***LEREN's POV*** Nanlalalim ang aking mga mata, halatang-halata na hindi ako nakatulog nang maayos. Ang pangit ko na nga dahil ang laki ng mukha kong parang ensaymada, lalo pang pumangit. Mukha na akong panda na tamad na tamad sa buhay. Tsk. "Kainis kasi," gigil kong naiungol. Sinabunutan ko ang maiksi kong buhok. Inis na inis ako, specifically kay Zrion. Yeah, this was all Zrion's fault. Nakalayo man ako sa kanya, hindi naman niya ako tinatantanan sa isip ko. Kahit ano ang gawin ko ay laman pa rin siya ng isipan ko at nakakabaliw na. Bumuntong-hininga ako dikawasa'y parang sira na ngumiti-ngiti. Hindi. Hindi ko hahayaang guluhin ni Zrion ang utak ko. Kung merong mababaliw rito, dapat siya 'yon dahil siya ang may kasalanan. Nag-shower na ako at nagbihis. Kahit paano ay umaliwalas