"Hay salamat naman at makakabalik na tayo ng mansyon, maasikaso talaga ang mga empleyado dito sa hotel," sambit ni manang at umupo sa tabi ko. "Nay wala na po ba tayong pupuntahan? Babalik na ba tayo sa mansyon?" Ewan ko ba kung bakit grabe ang kaba ko lalo na at makikita ko si Zeus, kanina lang ay gustong gusto ko na siyang makita pero ngayon iba na nangangatog na ang tuhod ko habang nag-iisip na makikita niya ako sa ganitong ayos. "Wala na hija, babalik na tayo ng mansyon. Bakit?" "Eh nay hindi ano po kasi--" "Wag kang kabahan, dapat ay excited ka kasi makikita mo na si Zeus. Ang ganda ganda mo pa naman ngayon oh." "Ahh ehh salamat po, ikaw din po Nay maganda," ngiting sambit ko pero ang totoo pilit na pilit ang ngiti ko. "Aba'y kung ganyan lage ang usapan ay talagang matutuw