Palihim akong nakatingin sa katulong na kausap ni Manang lydia, pabalik na ito sa Monet mansyon at may dalang ecobag. Pagkalabas nito ay humakbang na ako pabalik sa kwarto ko. Nakasunod pa sa akin si Sylvester habang naglalakad sa hallway, pagpasok ko sa kwarto akala ko ay pumasok din siya pero hindi pala. Umalis na naman si Sylvester kaya hinantay ko na lang siya na bumalik. Ilang minuto akong naghahantay ng boses niya doon sa pinto pero wala akong narinig. Eksakto alas osto ay napilitan akong bumaba dahil wala pa rin si Sylvester. "Sylvester where are you?" sabi ko habang papalabas ng pinto. Nahinto ako sa paglakad, hindi pa ako dapat lumabas dahil aninag ko yung mga flashlight na galing sa labas. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Manang Lydia. "Manang I'll find Sylvester, pl