"Minah mukang walang balak si sylvester umuwi," sambit ni lottie habang kumakain. Nasa kusina na kame kumakain ng hapunan. "Hayaan mo na lang muna siya Lottie," sagot ko at napatingin kay sylvester na nasa paanan ko na nakaupo. "Tatlong oras na siyang nandito hindi ba siya naboboring, minah pag nagpoops talaga si sylvester dito ewan ko na lang." "Wag kang mag-alala lottie na-train naman siguro ito si sylvester hindi naman siya nagkakalat ng poops niya." "Yuck! Nakakawalang gana kumain Minah," nadidismayang sambit ni lottie at tumayo. Hindi na niya tinapos ang pagkain, dinala niya agad yung plato niya doon sa lababo. "Pahinga kana lottie," sabi ko habang nakatingin kay Lottie na papalabas ng kusina. "Sylvester pag pasensyahan mo na si lottie ha. Hindi siguro siya mahilig sa pusa," sab