Alas dyes pa lang ay tapos na kame sa pagpupunas, kaya sa labas na kame naghintay Kay nay Lydia. "Minah masakit pa rin ba tiyan mo? Tiisin mo na lang pabalik na din yata si nay Lydia," sambit in Levi na nasa tabi ko. "Pawala-wala naman yung sakit," sagot ko at pinunasan ang pawis ko. "Minah kung Hindi mo kaya magbanyo ka na lang," sabat naman ni Jane. "kiss me, kiss me in the morning. Kiss me, kiss me," pakantang sabat ni Lottie. Di pa rin siya tapos sa pang-aasar niya, lalo tuloy sumakit ang tiyan ko. "Banyo muna ako hehe," ani ko at patakbong nagtungo sa banyo. Nag moment na naman ako ng ilang minuto. Mabuti na lang at natapos ako agad. "Hay. Sana mawala na yung sakit ng tiyan ko," sabi ko habang nasa tapat ng salamin. Ngayon ko lang napansin na sobrang tahimik pala rito. "Meow me