____________ "Minah marami pa ba ang hihiwain? Gusto ko nang bumalik sa monet, tumatayo ang balahibo ko dito" "Jane wag kang maingay baka mamaya marinig tayo ni manang nakakahiya" "Bakit kasi sa dinami dami ng katulong tayo pa ang pinili niyang tutulong sa kanyang magluto, tapos ikaw ok lang sayo naku minah pag ikaw talaga nakakita ng multo ewan ko na lang" Si Jane talaga parehas lang sila ni Lottie masyadong matatakutin. "Jane wala ngang multo, bilisan na lang natin hiwain itong gulay at karne." Nagtuloy na ako sa paghihiwa ng gulay pero si jane panay ang sulyap sa paligid. "Alam mo minah may multo talaga dito sa da vinci.. Hindi kaba magtataka ang laki laki nitong mansion at ang nakatira lang ay yung Amo natin" "Ewan ko Jane." Walang multo dito dahil ang nakat