____________ "Minah magkwento kana kasi, panay ngiti mo parang isang linggo ka nang masaya. Teka nga, nagsabi ka na ba sa nagugustuhan mo?" tanong ni lottie at yumakap sa braso ko. Naku lottie gustong gusto kong ikwento sayo, gusto ko nang sabihin na may boyfriend na ako kaso hindi pwede. Nagmadali akong lumakad kaya naman si Lottie ay bumilis din ang paghakbang, hawak niya ang braso ko at wala yata siyang balak na bitawan ito. "Minah!" sigaw niya na nagpahinto sa akin. "Bakit?" "Sinabi mo na bang gusto mo siya?" Ano bang isasagot ko? Habang nag-iisip ay nakita ko ang mga kasama namin na paakyat na ng hagdan. "Lottie umakyat na tayo, sa kwarto ko na lang sasabihin" bulong ko at umakyat na nang hagdan. "Sige Minah," ngiting sambit niya at sumunod na din sa akin. -