_______________ "Himala yata Minah, gabi na magkakape kapa? Gutom ka pa ba? Hindi ba masarap yung tortang talong? "Masarap naman, ano kasi gusto ko lang mainitan itong tiyan ko." Nilalamig na ako dahil sa kaba. Tumango si Lottie at muling binalik ang tingin sa TV. "Ayan Na! mahuhuli na sila! mahuhuli na yung relasyon, mahuhuli na yung kamanyakan nila!" na-eexcite na sabi niya sabay yakap ng unan na nasa tabi niya. Ang Halik mo!.... namimis ko!... Ang Halik mo!... namimis ko!.... Kinikilabutan talaga ako pag naririnig ko yung tugtog na ito, si Lottie naman sinabayan pa at ang lakas lakas ng pagkanta niya. Dali-dali kong nilapag yung kape sa mesa na katabi ng kama ko, mahirap na baka pag nataranta ako tumapon sa akin itong mainit na kape. Habang nanunuod ay panay din ang sagi