"Aba mukang masaya ka yata ngayon master,dahil ba kay Minah? Nalaman mong bakla talaga ang pinagseselosan mo?" "She said he's a gay. Nothing to worry." "Aysus! Ewan ko ba sa inyong dalawa, bakit kasi hindi kayo mag usap ng masinsinan. Yung masinsinang usapan para hindi ka nagseselos." Napailing na lang ako at binaling ang tingin sa pagkaing inihanda ni Manang. "Teka nga pala Master, mukang darating sa sunod na buwan ang Auntie Elizabeth mo." " Auntie? Don't mind her." "Parehas lang tayo master, ayaw ko din sa kanya. Kahit mabait siya sa akin ay suplada talaga ang awra niya." "Bakit kailangan niya pang pumunta rito?" wika kong may halong inis. "Master taon taon naman siyang bumibisita sayo, hindi mo lang siya hinaharap kaya pag-aalis siya dito laging salubong ang