Pagbaba niya sa akin ay tumama yung paningin ko sa dibdib niya. Mga isang dipa na lang ang pagitan namin at pakiramdam ko kailangan ko na talaga ng oxygen. Grabe din ang kaba ko na umaabot hanggang paa ko. "Why?" tanong niya dahilan para mapakurap kurap ako at bumalik sa katinuan. "Ahh yung patis," sabi ko at lumapit sa kaserola. Huminga na lang ako nang malalim para mabawasan yung kaba ko. Nilagay ko agad yung patis pagkatapos ay nilasahan ko. Baka pagalitan ako ni Manang pag maalat. "Okay na," bulong ko habang nilalasahan yung sabaw sa sandok na hawak ko. "Can I taste it?" Naku po! Yan na naman siya! Can I taste it? Parang may ibang meaning sa utak ko. Minah manyak kana! sambit ng isip ko kaya napahinga na lang ako ng malalim. "Ahh o--okay," sagot ko at sumandok ng